Saturday, January 19, 2008

IS THE QUEEN OF MEAN BACK?

Mabuhay na naman ako! Nakakainis, wala talaga ako masulat/masabi/makwento. Hindi ko alam kung parang blanko lang talaga utak ko or walang interesting na nangyayari sa buhay ko? Hmmm.. Eto pala, nauntog ako sa may aparador namin sa Condo. As in malakas,sumakit ang ulo ko at para talaga akong nakakita ng stars. Kasi naman, tulog-tulugan pa. Hmmmppp...Sorry naman, engot lang.hehehehe... Anyhoo, anu na ba ang balita...Hmm...Wala,ganun pa din,work,bahay,gimik ng konti. Last Saturday, natulog ako maghapon at pagkagising, kumain,pumunta sa DQ,masarap ang Pecan Cluster.Hehehehe...Taops nanuod ng 3 Pinoy Movies: Milan, You are the One at Agent X44!Hahaha,pinatulan ko yung movie na yun. In fairness, nakakatawa naman yung movie. Ang cute ni Vhong Navarro. O nga pala, nanunuod din ako ng Lastikman(Channel 2 lang din naman kasi ang nasasagap ng antenna namin). Patayin sa Sindak si Barbara Rocks! And of course, ang Maging Sino ka man. Anu ba, telenovela fanatic ako! Lagi akong late because of that. Naku,sinita na ako ng Team Lead ko dahil dun...Hayy... Pero productive naman ako, 9am na kaya ako kung umuwi minsan. Nag-rationalize pa.hehe. Oh well.

Nagaaya na naman ang mountaineering Club on January 26th. Ayaw ko na talaga..Yung team lead ko gusto sumama, first time niya 'to. Eh sasama siya kung sasama din ako. Ayaw ko pilitin sarili ko noh.Oh well, yung sinalihan namin, which is Gawad Kalinga, wala kaming natatanggap ng TL ko na emails from them. Kung ano na ba activities nila. Hay, oh well again.
Hay, pwede mag-senti ng konti. My teammate asked me kung if ever, pagbibigyan ko pa (as in second chance ah) yung guy na nagtangkang ligawan si Queen of Mean. Sabi ko, hindi na. Hahaha, ang feeling ko. Oh well. Bigla ko naisip na baka umaasa ako dun sa High school crush ko. Feeling ko talaga. Si HS guy, nagkwento na lahat sa love life niya, pagiging broken hearted niya...na friends lang talaga kami. Bakit parang at the back of my mind, umaasa ako na baka pwedeng sa huli,kami na lang. Ok,nasan si Queen of Mean. Pagdating sa mga ganyang bagay, lumalambot.Hehehe.. Oh well. Bahala na. Hindi na ako naghahanap or nagaantay...basta kusang darating si Knight in Shining Whatever. Pero teka, dapat siguro alisin ko muna yung feeling na "umaasa". Baka yun ang cause ng pagiging stagnant ko.hahah.. Anu ba...Oh well... Life must go on...

2 comments:

Anonymous said...

wow cnu naman c hs guy? nkk2wa lang, kala ko ako lang yung maxadong ngho2ld sa past, ung sana 1 tym mkasalubong c ganyan baka my mngyaring kaaya2 sa pgkkta after a long tym db? hehe... preho lang tyo stagnant, di ko na nga nafifeel kung my "life" pa nga ba ako e haha..

mis u na!! :) update ka lagi..

Anonymous said...

oi, umaasa...hehe. Good luck sa lovelyf.

may mountaineering club ka? after nung trip namin dun sa pinuntahan namin, parang gusto ko nang sumali sa isang mountaineering club.

have a great day!