Tuesday, January 22, 2008

Mr.T

I watched Sweeney Todd(The Demon Barber of Fleet Street: Ang Barberong Hindi Clean Cut) with my officemates last Sunday at Greenbelt. Before that we went to Timezone and played Dance Dance Revolution. Biruin niyo yun! I used to play that back in Highschool. Pero sa bahay lang namin sa pamamagitan ng playstation. Hehe, ngayon lang ako naglakas loob na gawin yun in public. Hehehe..At ang kasama ko sa kalokohan na yun ang TL ko. Hehehe..Sinubukan din namin yung parang DDR pero sa kamay..(Margz,anung tawag dun?Congratulate me,nakakalaro na ako nun.hehe). Ayun, ang saya naman. Form of exercise na din.Hahaha...

Anyhoo, about Sweeney Todd. Nakakaaliw siya kasi musical na ang gory ng events. Johnny Depp was so great in that movie. Uber galing niya talaga. Panalo. Pero ang mabibigay ko lang ay 4 stars. Medyo may boring part na hindi mo na maintindihan anung connection sa movie. Tapos kung hindi malakas ang sikmura mo sa gory scenes,ay good luck na lang. Pero ang ganda ng songs. Gusto ko na talagang i-download ito! Especially that song for Johanna...Sana Johanna na lang din name ko.hehehe...Anyhoo,ayun nga parang napagod ako dun sa movie.Hindi ko din alam kung bakit. Anyhoo again,magalng siya.Ayun lang.May napanuod na din ako before na musical movie ni Johnny Depp, ang title: Crybaby, year 1990. Syempre super young (and hotness) pa niya dun.Pero until now pa din naman hotness siya.Hahaha... Bilib talaga ako sa kanya,super talented ito...Dapat lang manalo ng Golden Globe.

Ayun,after the movie,we ate at Krocodile Grill. Ang daming food, sisig(hindi mawawla), sinigang na hipon at calamares. Nag-dessert pa kami sa Cafe Breton. Katabaan lang.Hahahaha... Pero super saya ng gabi na yun. At nagkasundo kami na magkaroon ng once a month gimik. Hindi na kasi tulad ng dati ang set up namin. Nalipat ang team ko(Relocation Team) sa 9th floor (talagang pinanindigan ang name ng team namin,hehehe).Yung iba nasa 8th floor pa din. Yung iba nasa ibang account/company na.Kaya ayun. Syempre yung bonding pa din importante. Kahit na less than a year pa lang ako dito sa IBM, sa araw-araw kaming magkasama noon, napabilang na din ako sa circle of friends nila. Mas masarap sa Kodak dahil lahat ng tao magkakaibigan at talagang may harmony. Hindi tulad ng ibang account. Di ba Josh,Xenia?hehehe...Ayun.basta masaya talaga sa Kodak.

Oh well, until here na lang. I want to go home na. May meeting ako sa isang expat later..God bless y'all!

Yung pics nasa multiply,pero hindi pa complete yun. VIsit my account!hehehe


No comments: