Wala na nga akong lovelife, bumabagyo pa.Anong connection? Wala,gusto ko lang sabihin yun. Hindi na ako matutuloy sa Bohol. Dahil kay bagyong Lando at sa asawa niyang paparating na si Minda. Lahat na lang postponed para sa akin. Walang planong gimik ang iba kong officemates. Anong gagawin ko? Baka ayusin ko na yung clearance ko sa former agency on Thursday.After that,magpa-spa(body massage) matagal ko na din kasing pangarap yun. Para ma-relax din ang katawan ko. Pero mas relaxing sana kung close ako to Mother Nature (stop it Cors). Pwede ko na din ayusin passport ko on Friday at driver's license.Teka,parang nagkakalinaw na ang lahat. Sabi ni Lord,wag na ako maglakwatsa,kasi ayusin ko daw muna buhay ko. Hahahaha! Oh well, life goes on. Tapos sa Friday,aayusin ko na clearance ko sa school para ma-release na TOR ko at diploma atbp.Goodness.Carry lang lahat 'to. Makakapunta din ako sa Bohol,kahit pa sa Bora at kahit pa sa Singapore!
-

1 comment:
Ayon naman sa opening sentence. Yaan mo, darating din iyan. Minsan, sabay-sabay pa...
Pasalamat ka na muna dahil hindi ka buhay kuhol na kagaya ko. =)
Post a Comment