Friday, November 23, 2007

Holiday blues

Hello,hello!Eto na, thanksgiving holiday na sa states at ako,nandito lang sa bahay. Yung iba hindi ko alam saan sila pupunta pero yung iba,nasa bahay lang din. May iba na cancelled din ang lakad dahil sa bagyo sa ibang part ng Pinas. Oh well,hindi lang ako ang nagdurusa.Hahaha. Kung naayos ko lang agad passport ko eh di sana fly to Singapore na ako. Oh well, ok na din naman ang passport ko. They'll deliver it sa December. I'm so happy na nilabanan ko ang procrastination. Nakapagpa-body massage pa ako. Ang sarap ng feeling.Sarap matulog. Ayun, stressed talaga ako. Ang tigas ng muscles ko sa likod. Oh well, hindi sya matatanggal ng isang massage session lang. Naisip ko nga, kahit twice a month, kailangan natin ng ganun, syempre, we are working 5 days a week, napapagod din tayo at nas-stress. hehehe. Anyway. Ayun nga,nagpunta ulit ako sa DFA kahapon,thankfully, konti lang ang tao. Of course, iba't-ibang tao nandun. May ale na sumingit, I don't know why she did that,walang konsensya,lahat naman matiyagang pumipila. Inaaway na siya nung isang ale, wala siyang pakialam. Pero feeling ko hindi siya nakarma at makakakuha siya ng passport. Or renewal na lang yung sa kanya. Life is unfair nga naman. Tapos, may manong na ang engot. I'm sorry manong. Pero kasi, sabi niya,pinalakad daw niya sa travel agency passport niya. 1,000 daw binigay niya, actually 2,000 na daw. Manong, anu ba,dapat sila ang nagaayos ng passport mo. Ayun, pumila siya dun ng walang pangbayad at tinatawagan daw niya yung contact niya,goodluck na lang, hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Meron naman na nagka-problema bago pumunta pa lang sa gate 2. May gumamit daw ng passport niya. Naman, biktima din kasi sila ng illegal recruiter. Damn. Bakit ang hilig magpaloko ng Pinoy. Makakuha lang kunyari ng opportunity abroad, they are grabbing it kaagad ng hindi nagiisip. Kaya hanggang ngayon, marami pa din ang manloloko kasi maraming Pinoy ang nagpapaloko. Hay talaga.

Anyway, ayun ok na ang lahat.Carry na lang. Nagiisip pa ako ng pwedeng gawin. I have 3 days pa....

1 comment:

KC said...

Naswertehan mo at di ka nilamon ng buhay ng ga-sawang pila sa DFA. Hehe...