Written: February 26, 2008/2am
Kung hindi MaCorazon,Corazon ang pag-address sa akin sa emails, Mr./Mrs. Leonidas (anu ba), ang pinakamalupit: LEONIDAS. Parang buong angkan ko ang gustong i-address sa email. Ok lang sana kung MaCorazon or Corazon, sa email address ko, nahuhuli naman ang Leonidas: "MaCorazon.Leonidas" ganyan ang pagkaka-construct nang email add ko. Ang babaw di ba. Hahaha..Wala lang,naloloka lang ako sa kanila. Nakalagay sa signature ko: Cors Leonidas.Mga walang kavalue-value sa katawan ang mga client na 'to. I mean,hindi man lang sila nags-scroll down para tingnan kung ano pa ang kasunod nang "Thank You" ko sa email.
Though may iba na Cors ang tawag sa akin. Minsan: "Dear Ms. Cors". Oh di ba,ang polite. Hehehe...Malala lang talaga yung Mr.Leonidas.. Akala lalaki ako,kasi I think sa Greece,masculine name yun.Tama ba?Anyhoo....antok na antok na ako. Almost 3 hours lang ang tulog ko. Dahil sa marathon ko nang Marrying a Millionaire. ZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzz
2:30 am. Uuwi na ako nang 5am...Sasabay ako kay Kim..Hehehe..Hindi ko dinala si Piolo dahil nag-commute lang ako. And while typing that, naala ko na 22nd Year celebration nga pala nang EDSA 1. Hay,napapanahon ah...Pero ang mga Pinoy,kapag ayaw na nila sa Presidente ,lagi na lang ba People Power ang daan. Gusto ko impeachment naman. Yung tipong trial talaga. Naman,adulterated na ang People Power,parang pag-naguilty na lang ba sila,ganun na lang ang pagre-resign?!Tapos mawiwili ang mga tao.Pattern ba ito?!. Lagi na lang. Ok,maraming magagalit sa mga sinasabi ko. Eh bakit ba, opinion ko 'to. My vantage point. Mag-comment ka na lang. Accepted yan. Pero naloloka na din talaga ako. Nung lumabas si Lozada, I almost believed him. Eh anu ba,super normal na lang niyan sa Gobyerno natin. Pero dahil sa ganung mentality (na normal lang ang korupsyon), nawiwili ang mga buwaya. Balik kay Lozada. Sa tingin ko talaga totoo. Pero ang asawa ni Mrs. Labandera ang itapon sa Alcatraz!Ayan,sige mag-isa siya dun. Ginamit niya ang power nang asawa niya sa mga kalokohan. Ok,may part din si Mrs. Labandera, o sige, sino ang papalit sa kanya? Si Lacson?Si Manny Villar?Don't tell me, si ERAP. For God's sake. Aalis na talaga ako dito sa Pilipinas. I remembered the guy in that Cultural Sensitivity Awareness training. Our Government is something that we will never be proud of. Pero saan nga ba nagmula ang ugali natin?Sa mga sumakop sa atin?So let's blame the Spaniards,Japanese people and of course, the Americans. But everything should start from within.Change should start from within.Kahit maliit na bagay lang yan Am I being soulful or what. Anyhoo. Kung ako ang tatanungin,may nagawa ba ako para kahit paano may magbago. I can say MERON. Ang hindi pagtapon nang basura kahit saan. Ang tumawid sa tamang tawiran. Ang hindi sumingit sa pila/pagpila nang maayos. Singit muna, sa MRT-Cubao station,mahaba ang pila. May babae ba naman na nagpapabili nang ticket. Nagdalawang-isip muna ako kung pagbibigyan ko siya. Pero teka, nagtitiyaga ang iba na pumila, tapos siya sisingit. Hindi naman siya senior citizen or taong may kapansanan. She has all the energy para pumila. Masama ba yung ginawa ko? Anyhoo, balik sa mga small things, nagt-thank you ako sa mga taong nagaabot nang bayad ko sa jeep,sa mga taong nagpapaupo sa akin sa MRT/bus, sa mga service crew. Oh di ba,kahit ganun lang,sa maliit na bagay, I know that it could be the start to a big change. We'll never know. Pero may ibang tao lang talaga na hindi ko ma-gets ang ugali at ang mga tao na weird ang pananaw na hindi maganda ang dulot sa marami.
Balik tayo sa political situation nang bansa. Si Gloria pa din ang gusto kong Presidente. Bakit? She is much better compare to Erap. She is smarter at sabi nga nila, ramdam ko ang pag-asenso.Oh,point of view ko ito. Mag-comment ka na lang.
On the lighter side. While browsing CNN.com, the news title "Doomsday" seed vault opens in Norway. Ang galing nang nakaisip nito. They are going to store 100 million seeds sa isang island near the Arctic Ocean. For full details, click here
Panoorin niyo din yung videos,ang cool. Buti na lang may nakaisip nito...
-

1 comment:
cors... ayan tinawag na kitang cors...
"Pattern ba ito?!. "
I agree with you. I'm also seeing a pattern with everything going on in this part of the planet. Politicians can't seem to think of something new and something better.
Post a Comment