Thursday, June 14, 2007

Hay Nako



Wala pa din si Anderson Cooper sa show niya. Lumalandi na naman siya habang ako napupuyat sa kakaantay sa kanya. Hmp. Haha,at ako nagf-feeling. Si John King pumalit sa kanya,yung panget na yun.
Habang inaantay ko ang show niya, nanood ako ng NGC. Miss ko na nga ang Discovery Channel pero wala na akong oras para panoorin yun. Lungkot. Ang dami ko nang na-miss na information.Wuuu...Haha...

Ayon, yung napanood ko, Mad Labs. Nakakaaliw.Mad Labs nga eh. May experiment sila tungkol sa paghila ng tupa na tatanggalan nila ng, balahibo ba tawag dun?Whatever. Yun na yun. Sinubukan nila kung saan sila mas madaling hilahin, sa wooden floor o dun sa isa na hindi ko nakuha king anong material yun. Ayun,mas madali silang hilahin sa wooden floor, nilagyan pa nila ng pang-measure ng pulse yung taong humihila. Sa totoo lang,nakakaawa sila. Tapos kapag nagsisimula na ang pag-shave,wala lang,hindi talaga sila pumapalag. Sabi ni Itay, baka kasi sanay na sila na lagi silang ginaganun kaya parang wala lang sa kanila.Mad Labs.

Susunod dun, ay nako,linsyak talaga.Yung scientist na yun, walang magawa.Ibabad ba naman sa prozac ang mga suso.Wahahaha,nakakatawa talaga.Kung ang prozac ay nagdudulot ng sexual dysfunction sa tao, sa mga suso,it makes a snail's penis erect. Hahaha,nakakatawa talaga. Pero minsan,babae daw sila tapos nagiging male.Pero,kung erected nga penis nila, impotent naman sila. Teka,ang labo ata.Hahaha.Whatever. Sexual dysfuntion din diba. At ito pa ang nakakatawa, kapag pinagsama mo ang dalawang male snail sa isang container, one of them acts like a female snail. Haha,sana tama yung narinig ko dahil nahihilo na ako sa antok pero tiniis ko yun para kay Anderson.Walang hiya siya.Hahaha

No comments: